^

Bansa

Lockdown uli: Metro Manila ilalagay sa ECQ mula ika-6 hanggang ika-20 ng Agosto

James Relativo - Philstar.com
Lockdown uli: Metro Manila ilalagay sa ECQ mula ika-6 hanggang ika-20 ng Agosto
Marikina residents, who are among the 250 evacuated families from barangays near the river, assemble makeshift dwelling spaces inside classrooms of the H. Bautista Elementary School after days of heavy rainfall likely to trigger flashfloods.
The STAR/Michael

MANILA, Philippines (Updated 11:46 a.m.) — Ibabalik uli sa pinakamahigpit na lockdown ang National Capital Region (NCR) dahil sa lumalalang pasahan ng COVID-19 dahil sa mas nakahahawang variant simula susunod na Biyernes.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, ilalagay uli sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Metro Manila simula ika-6 hanggang ika-20 ng Agosto.

"Hindi po naging madali ang desisyon na ito ha. Maraming oras ang iginugol para pagdebatihan ang bagay na ito dahil binabalanse nga natin 'yung pagpapabagal ng pagkalat ng COVID-19 dahil sa Delta variant at 'yung karapatan natin na mabuhay at maiwasan mabawasan ang hanay ng mga nagugutom," ani Roque, Biyernes sa PTV4.

"[A]lam natin na mahirap ang ECQ, pero kinakailangang gawin po ito para maiwasan 'yung kakulangan ng ICU beds at iba pang hospital requirements... para mas maraming buhay ang mailigtas." 

Mananatili muna sa general community quarantine (with additional heightened restrictions) ang Kamaynilaan simula ngayon hanggang ika-5 ng Agosto bago magtransisyon patungong ECQ.

Mga bawal sa GCQ ng NCR sa NCR bago mag-ECQ

'Di katulad ng ibang nasa GCQ with heightened restrictions, mas mahigpit ang ipatutupad na porma nito sa Metro Manila simula ngayon hanggang next week.
Kabilang sa mga pagbabawalan mula ngayon hanggang ika-5 ng Agosto sa Metro Manila ang:

 

  • indoor dine-in services
  • al fresco dining (open air na kainan sa labas)
  • operasyon ng indoor sports courts at venues
  • operasyon ng indoor tourist attractions at specialized markets ng Department of Tourism
  • religious gatherings

Sa mga nagtratrabaho sa mga restawran, hahayaan munang patapusin ang kanilang mga shift ngayong araw, ayon kayu Roque. Papayagan naman ang 30% venue capacity sa ngayon sa mga outdoor tourist attractions.

Immediate family members lang din sa ngayon ang papayagan sa mga necrological services at burol, basta't hindi COVID-19 ang ikinamatay.

Ilan din sa mga paghihigpit ang:

  •  30% venue capacity sa mga serbisyo gaya ng beauty salons, parlors, barberya at nail spas

Cebu, Cebu province nasa MECQ na rin

Idagdagdag naman sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Cebu City at Cebu Province mula ika-1 hanggang ika-15 ng Agosto. Gayunpaman, pwede pa ito iapela ng mga local government units.

Mananatili naman ang parehong ECQ, MECQ at GCQ ang mga inanunsyo na ng Palasyo noong Miyerkules.

Sa huling tala ng Department of Health, 1.57 milyon na ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas nitong Huwebes. 27,577 na ang namamatay sa bilang na 'yan.

 

vuukle comment

DELTA VARIANT

HARRY ROQUE

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with