^

Bansa

Benepisyo, allowance ng healthcare workers pinamamadali

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Benepisyo, allowance ng healthcare workers pinamamadali
Nanawagan si Pangilinan sa mga kaukulang ahensiya ng gobyerno gaya ng DOH at Department of Budget and Management (DBM) na sama-samang maghanap ng mga paraan kung paano mabilis na mailalabas ang benepisyo at allowance ng healthcare workers.
Walter Bollozos/File

MANILA, Philippines — Bilang mga bagong bayani sa gitna ng pandemya, hindi dapat binibitin ang allowance at iba pang mga benepisyo ng healthcare workers ng bansa.

Ito ang iginiit ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan kasunod ng nangyaring rally ng ilang healthcare workers kung saan binato nila ng kamatis ang tanggapan ng Department of Health (DOH) noong Biyernes.

“Hindi dapat ganito ang trato sa ating healthcare workers na itinataya ang kanilang buhay para alagaan ang ating mga mahal sa buhay at kapwa Pilipino,” wika ni Pangilinan.

Aniya, dapat ituring ng pamahalaan na seryosong babala ang nasabing pagkilos upang kumilos na at ibigay sa lalong madaling panahon ang benepisyo ng ating healthcare workers.

Nanawagan si Pangilinan sa mga kaukulang ahensiya ng gobyerno gaya ng DOH at Department of Budget and Management (DBM) na sama-samang maghanap ng mga paraan kung paano mabilis na mailalabas ang benepisyo at allowance ng healthcare workers.

vuukle comment

HEALTHCARE WORKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with