_ngayon
^

Bansa

Esperon: Keith Absalon ‘target’ ng CPP-NPA

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Vice Chairman at National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. na ‘tinarget’ talaga  ng CPP-NPA-NDF na patayin si Keith Absalon dahil sa pagiging sikat nitong atleta at pagsusulong nito ng sports para sa mga kabataan na umano’y kontra sa kanilang adbokasiya.

Ayon kay Esperon, planado ang ginawang pagpatay kay Keith sa pamamagitan ng anti-personnel mines dahil posibleng maraming kabataan pa ang  mahikayat nito sa sports at iba  pang gawain na taliwas naman sa adbokasiya ng  CPP-NPA-NDF.

Nais umano ng mga terrorist group na mapalakas pa ang kanilang puwersa sa pamamagitan ng recruitment lalo na sa kabataan kasunod ng sunud-sunod na pagsuko ng kanilang mga miyembro sa Masbate.

Umapela naman sa publiko ang ina Keith na si Vilma Absalon na makiisa at magsama-samang wakasan ang mga pang-aabuso ng CPP-NPA-NDF. Aniya, panahon nang matigil ang hindi makataong hangarin ng grupo lalo na sa mga kabataan.

NTF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with