_ngayon
^
1.33 milyong COVID-19 cases naitala na sa Pilipinas; patay nadagagan ng 158
Josefa Tolentino, 77, shows her vaccination card as she makes her way to her eye check-up at SM San Mateo on June 16, 2021. Fully-vaccinated senior citizens are now allowed by the Inter-Agency Task Force to enter private establishments in areas under general community quarantine and modified general community quarantine.
The STAR/Michael Varcas

1.33 milyong COVID-19 cases naitala na sa Pilipinas; patay nadagagan ng 158

(Philstar.com) - June 16, 2021 - 4:00pm

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 5,414 bagong infection ng coronavirus disease (COVID-19), Miyerkules, kung kaya nasa 1,332,832 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.

Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:

  • Lahat ng kaso: 1,332,832
  • Nagpapagaling pa: 56,170, o 4.2% ng total infections
  • Kagagaling lang: 7,637, dahilan para maging 1,253,541 na lahat ng gumagaling 
  • Kamamatay lang: 158, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 23,121

Anong bago ngayong araw?

  • Inilinaw ni treatment czar at Health Undersecretary Leopoldo Vega ngayong araw sa Laging Handa briefing na "okey" lang tanggalin ang mga face shields sa ibabaw ng face masks kung nasa outdoor setting lang.

    Aniya, mas mababa ang posibilidad ng COVID-19 infection sa labas at mahirap magtrabaho tuwing nagmo-"moist" ang paningin.

  • Sa kabila nito, inilinaw ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na iniuutos pa rin ng Joint Memorandum Circular 2021-0001 ang pagsuot ng face shields sa mga pampubliking espasyo kung saan imposible ang isang metrong physical distancing, o sa mga pagtitipon na may lagpas sa 10 tao.

  • Palulusutin naman na ng DOH ang pamamahagi ng 1 milyong bagong dating na Sinovac COVID-19 vaccines matapos itong maharang dahil sa kakulangan ng ilang dokumento mula sa manufacturer. Ang naturang papeles ay naibigay na sa ngayon.

  • Hinihingi naman ngayon ng Albay Medical Society na i-upgrade ang lockdown classification ng buong Bicol, kasunod na rin ng dumaraming COVID-19 cases doon. Ani Carlsen Antonio, presidente ng naturang grupo, nagbigay na sila ng liham kay Interior Secretary Eduardo Año para mailagay ang Region V sa Modified Enhanced Community Quarantine.

  • Kumuha naman na ng karagdagang 80 staff ang One Hospital Command Center matapos ma-"overwhelm" ng COVID-19 surge sa ngayon, ani Vega. Ang nabanggit ang nagre-refer sa mga COVID-19 patients sa mga ospital.

  • Umabot na sa halos 176 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, patay na ang 3.8 milyong katao.

— James Relativo at may mga ulat mula kay Xave Gregorio

COVID-19 TALLY PHILIPPINES DEPARTMENT OF HEALTH NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with