^

Bansa

Mga tagasunod ni Quiboloy pinadidisarmahan din

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mga tagasunod ni Quiboloy pinadidisarmahan din
Apollo Quiboloy
AFP / Manman Dejeto

MANILA, Philippines — Pinasisiguro ni Senador Risa Hontiveros sa Philippine National Police( PNP) na maging ang armas ng mga miyem­bro ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy ay kumpiskahin.

Kasabay nito nagpasalamat naman si Hontiveros sa PNP dahil sa pag-revoke sa lisensya ng mga armas ni Quiboloy.

“Salamat sa agarang pagtugon ng PNP sa panawagan kong tanggal-lisensya sa armas ni Quiboloy. I commend PNP Chief Rommel Marbil for heeding this call”, ayon sa Senadora.

Subalit giit ni Hontiveros, dapat pa rin tiyakin ng PNP na walang mga armas niya ang maiwan sa mga miyembro ni Quiboloy.

Dapat lang anya na mabuwag na ang private army ng lider na todo-balandra rin ng kanilang mga baril sa social media.

Umaasa naman si Hontiveros na maaresto na si Quiboloy sa lalong madaling panahon lalo pa patuloy umano nitong niyuyurakan ang ating institusyon.

Patunay anya dito ang paglalabas ni Quiboloy ka­makailan ng audio recording kung saan nagbigay pa siya ng bugtong tungkol sa location niya.

“Matapos nilang pagdiskitahan ang Senado bilang institusyon, ngayon naman, ang ating kapulisan ang iniinsulto. Hindi tayo papayag na pagmukhain niya tayong tanga,” giit pa ni Hontiveros.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with