‘Dante’ pumasok uli sa Pinas
MANILA, Philippines — Nagbalik sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Dante na may international name na “Choi-Wan.”
Una rito, iniulat ng Pagasa na lumabas ang nasabing sama ng panahon sa PAR bandang alas-2:00 ng madaling araw nitong Biyernes.
Dahil sa pagbabalik ng bagyo, itinaas ng Pagasa ang tropical cyclone wind signal number one (1) sa lalawigan ng Batanes.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 210 km sa kanluran hilagang kanluran ng Basco, Batanes o 185 km sa kanluran ng Itbayat, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kph at pagbugsong 70 kph.
Kumikilos ang sama ng panahon nang pahilagang silangan sa bilis na 20 kph.
- Latest