^

Bansa

Hatian sa infrastructure projects ng solons ‘di patas – Lacson

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Hatian sa infrastructure projects ng solons �di patas � Lacson
Sa paghimay ng Senado sa proposed P4.5 Trillion national budget ay sinabi ni Lacson na kitang-kita ang malaking diperensya sa laki ng budget sa ilang distrito habang kakarampot naman sa iba.
STAr/Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Pinuna ni Senator Panfilo Lacson ang “disparity” o hindi patas na hatian ng alokasyon sa mga infrastructure budget sa mga distrito ng mga kongresista.

Sa paghimay ng Senado sa proposed P4.5 Trillion national budget ay sinabi ni Lacson na kitang-kita ang malaking diperensya sa laki ng budget sa ilang distrito habang kakarampot naman sa iba.

Tinukoy nito ang bilyun-bilyong pisong inilaan sa isang distrito sa Davao, sa Benguet, Albay at Abra habang sa ibang distrito ay ilang milyon lamang.

Hindi naman tahasang binanggit ni Lacson kung anong distrito sa Davao ang may budget sa infrastructure na aabot sa P15.351-B, sa Albay ay P7.5-B, sa Benguet ay P7.9-B habang sa Abra ay P3.75-B.

Gayunman, sa 2nd District ng Albay ay hawak ni Rep. Joey Salceda, sa Abra ay si Lone Distrct Rep. Joseph Bernos habang caretaker naman sa Benguet si ACT CIS Partylist Rep. Eric Yap.

Habang naglalakihan ang ilang mga distrito ay may kongresista naman na nakatanggap ng P42 million.

Sa laki ng budget na natanggap ng mga kongresista na sinabi ni Lacson na nasa “horror roll”, aminado ito na duda rin siya kung maipapatupad nga ang mga bilyong halaga ng infrastructure projects.

Maging si Senate President Tito Sotto ay naalarma din sa puna ni Lacson sa paghahati-hati ng alokasyon sa 2021 budget.

“Usually kasi sa pinagdaanan kong mga budgets, yung mga districts, ‘di mas­yadong nagkakalayo ang amounts ng funding nila, especially sa DPWH.Bago sa akin ito na mayroong ilang district na saksakan ng lalaki ang amount,” paliwanag ni Sotto.

Matatandaan na sa House Speakership row kamakailan ay ginawang isyu kay dating House Speaker at Taguig Rep. Alan Peter Cayetano ng mga kaalyado ni Marinduque Rep. at nga­yon ay House Speaker Lord Allan Velasco na sina Neg­ros Oriental Rep. Arnulfo Teves, 1 Pacman Party­list Rep. Mikee Romero at Oriental Mindoro Rep. Doy Leachon ang hindi pantay pantay na infrastructure allocation sa budget kung saan inakusahan ng mga ito si Cayetano na pinaboran ang ilang mga mambabatas.

vuukle comment

INFRASTRUCTURE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with