Pacquiao negative sa COVID-19
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - March 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Gamit ang Rapid Testing Kits na ipinadala ng mga kaibigan mula sa South Korea, agad na nalaman ni Sen. Manny Pacquiao na negatibo siya sa COVID-19.

Hindi pa aprubado ng Food and Drug Administration ang ginamit niyang testing kit pero ito aniya ang ginagamit sa South Korea.

Sinabi pa ni Pacquiao matagal na siyang hinihikayat na magpa-test sa RITM pero wala naman siyang nararamdamang anumang sintomas.

Sakali aniyang may maramdaman ay sasailalim siya sa test sa RITM pero daraan siya sa normal na procedure dahil maraming PUI ang mas dapat na unahin.

Nauna rito, sinulatan si Pacquiao ng Barangay Dasmariñas sa Makati City upang hilingin na manatili lamang sa kaniyang tahanan dahil itinuturing na siyang person under monitoring (PUM) matapos makitang kasama si Sen. Koko Pimentel na positibo sa COVID-19.

Nilinaw ni Pacquiao na hindi pa man niya natatanggap ang sulat ay hindi na siya lumabas ng bahay simula noong Marso 23 pagkatapos ng special session.

FOOD AND DRUG ADMINISTRATION RITM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with