Prangkisa ng ABS-CBN ipinababawi ng solgen sa Korte Suprema
MANILA, Philippines —
Ayon
Ilan sa mga ibinatong paratang ni Calida sa himpilan ay ang "labag sa batas" na pakikinabang nila sa mga prangkisa sa ilalim ng Republic Act (RA) 7966 at RA 8332.
Tumutukoy ang naunang batas prangkisang nagpapahintulot sa operasyon ng ABS-CBN Corporation habang iginawad naman ng ikalawa ang prangkisa sa kanilang communications arm.
Hindi nagpaunlak ng tanong si Calida mula sa mga peryodista matapos itong ihain, ngunit iginiit niyang "walang halong pulitika" sa kanyang aksyon bilang punong abogado ng gobyerno ng Pilipinas.
Sa isang pahayag sa Inggles, sinabi ni Calida na: "Nais nating matigil ang mga nadiskubre nating abusadong gawi ng ABS-CBN na pinakikinabangan lang ng ilang gahaman sa kapinsalaan ng milyun-milyon nitong tagasunod. Ang mga gawain na ito ay hindi napapansin at ilang taon nang nababalewala."
Alinsunod sa Rule 66 ng Rules of Court, maaaring maghain ng quo warranto ang solicitor general laban sa mga "taong nang-aagaw, nanghihimasok sa, o humahawak ng posisyong pampubliko o prangkisa nang labag sa batas."
Maaari ring ihain ang petisyon sa mga asosasyon na nag-aastang korporasyon sa Pilipinas kahit na hindi ito "legally incorporated."
Nakatakdang mapaso ang legislative franchise ng ABS-CBN sa pagtatapos ng Marso habang hindi pa
Walang kinalaman si Duterte?
"
"Ang bawat heads ng departments, may kaniya-kaniyang tungkulin. Ang pangulo 'di nakikialam doon."
Disyembre nang sabihin ni Duterte sa mga may-ari ng ABS-CBN na ibenta na lang nila ang television network.
Dati na ring sinabi ni Digong na hindi niya ipa-re-renew ang prangkisa ng ABS-CBN kung siya ang masusunod sa dahilang hindi raw nila in-ere ang kanyang mga patalastas noong nangangampanya pa siya sa pagkapangulo noong 2016 kahit na bayad na ang mga ito.
Panghihimasok sa lehislatura?
Sa panayam naman ng ANC, sinabi ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na panghihimasok ito sa karapatan ng Kongreso na maggawad at magbawi ng mga prangkisa.
"
Sinabi rin niya na panggigipit sa kalayaan sa pamamahayag ang ginagawa ngayon sa ABS: "Naniniwala akong harassment ito sa ating press."
"Kongreso lang ang may kapangyarihan na magbigay o magkansela ng prangkisa," wika niya. Ni hindi pa
Wala pa namang inilalabas na opisyal na pahayag ang kumpanya kaugnay ng ginawa ng solicitor general.
'Banyagang pagmamay-ari'
Hindi pa isinasapubliko ang kabuuang kopya ng petisyon, ngunit sa pahayag na ibinigay sa media, ibinintang ng OSG na hinahayaan daw ng ABS-CBN na makapamuhunan sa kanila ang mga banyaga.
Nakasaad sa 1987 Constitution na tanging mga Pilipino lamang ang may karapatang magmay-ari at magpatakbo ng mass media.
"
Ang PDDR ay nagbibigay ng "passive economic interest" sa mga dayuhan sa isang kumpanyang Pilipino.
Maliban
- Latest