Cloth mask ‘di epektibo sa virus
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - February 6, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi epektibong pangontra laban sa 2019 nCoV ARD ang cloth mask na nabibili sa mga bangketa dahil hindi naman nito nasasala ang mga virus at bacteria sa hangin.

Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Dr. Edsel Maurice Salvana, director ng Molecular Biology and Biotechnology National Institute of Health and Molecular Technology sa University of the Philippines, na tanging mga doktor lamang din ang maaaring gumamit ng N95 face mask.

May sistema rin nang paggamit sa N95 mask lalo na kailangang saradung-sarado o hindi mapapasok ng hangin.

Paliwanag pa ni Salvana na surgical mask lamang o regular na facemask ang maaaring gamitin laban sa virus o bacteria ngunit kailangang sundin ang tamang paggamit nito na dapat ay nakalabas ang kulay asul dahil ito ang bahagi na nagtataglay ng water repellant habang absorbent naman ang kulay puti na dapat ay nasa loob.

Kapag nagamit na ay dapat itapon at huwag na uulitin ang paggamit.

EDSEL MAURICE SALVANA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with