Malacañang pumalag sa US resolusyon para kay de Lima
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ang nasabing re­solusyon ay pagyurak sa dignidad ng gobyerno ng Pilipinas at ng soberenya ng bansa.
The STAR/ File
Malacañang pumalag sa US resolusyon para kay de Lima
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - December 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pumalag kahapon ang Malacañang sa ipinasang resolusyon ng isang pa­nel ng Senado ng United States na humihiling na palayain na ng gobyerno ng Pilipinas si Senator Leila de Lima.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ang nasabing re­solusyon ay pagyurak sa dignidad ng gobyerno ng Pilipinas at ng soberenya ng bansa.

 Ayon pa kay Panelo, imposibleng hindi alam ng US Senate Committee na hindi na nila kolonya ang Pilipinas.

Inaprubahan ngayong buwan ng US Senate Committee on Foreign Relations ang Resolution No. 142 na kumokondena sa gobyerno ng Pilipinas dahil sa patuloy na detensiyon ni de Lima. Nanawagan din ang nasabing komite na dapat palayain na ang senadora.

Binanggit din sa nasabing resolusyon ang hindi umano makatarungang judicial proceedings laban sa media at mga mamamahayag partikular kay Maria Ressa ng Rappler.

Ayon naman kay Pa­nelo, dapat maintindihan ng mga miyembro ng Committee on Foreign Relations ng US Senate na sina de Lima at Ressa ay kasaluku­yang may mga kinakaharap na mga kasong kriminal.

Sinabi pa ni Panelo na dumaan sa tamang pro­seso ng criminal prosecution ang mga kaso nina de Lima at  Ressa.

Idinagdag din ni Pa­nelo na dapat tanggalin ng mga US senators ang kanilang takip sa mata at pag-aralang mabuti ang mga kaso nina de Lima at Ressa.

Dapat rin aniyang respetuhin ng mga US senators ang judicial process ng bansa katulad ng ipinapakitang pagrespeto ng Pilipinas sa kanila.

LEILA DE LIMA SALVADOR PANELO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with