Sinabi ni Zubiri na hindi nakatulong ang pag-downgrade ng nasabing subject tungkol sa kagandahang asal na isinama na lamang sa iba pang subjects kaya nabawasan ang mga mabubuting mamamayan at namamayagpag ang kriminalidad sa lansangan.
GMRC subject giit ibalik
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - July 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nais ni Sen. Juan Miguel Zubiri na ibalik ang subject na Good Manners and Right Conduct (GMRC) sa lahat ng levels mula K to 12.

Sinabi ni Zubiri na hindi nakatulong ang pag-downgrade ng nasabing subject tungkol sa kagandahang asal na isinama na lamang sa iba pang subjects kaya nabawasan ang mga mabubuting mamamayan at namamayagpag ang kriminalidad sa lansangan.

Ipinaliwanag kay Zubiri ni Education Secretary Leonor Briones na mayroon namang subject na Values Education mula Grades K hanggang Grade 3 pero mula Grade 4 hanggang 12 ay isinama na lamang ito sa iba pang subjects.

Naniniwala si Zubiri na ang subject na GMRC noong hindi pa ito tinatanggal ang dahilan kaya walang masyadong kriminalidad sa loob at labas ng tahanan.

Dapat aniyang dinidisiplina ang mga mamamayan habang mga bata pa lamang upang hindi lumaki na walang respeto at madaling maakit ng iligal na droga at mapasama sa mga masasamang grupo.

Inihalimbawa ni Zubiri ang Singapore at Japan kung saan ang disiplina at pagrespeto ay itinuturo sa mga eskuwelahan.

GOOD MANNERS AND RIGHT CONDUCT JUAN MIGUEL ZUBIRI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with