Direktang idiniin ni Peter Advincula alias Bikoy si Sen. Antonio Trillanes at ang grupo ng Liberal Party na umano’y nasa likod ng “Ang Totoong Narcolist” video nang humarap kahapon sa Camp Crame.
Michael Varcas
‘Bikoy’ bumaligtad: Trillanes, LP ‘utak’ ng narco video
Rudy Andal, Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - May 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Itinuro ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy si Sen. Antonio Trillanes at ang Liberal Party (LP) na umano’y “mastermind” ng “Ang Totoong Narcolist” videos na nagdadawit sa pamilya ni Pangulong Duterte sa illegal drug trade.

“Lahat ng nangyari sa ‘Ang Totoong Narco-list,’ video… lahat ‘yon pa­wang scripted, lahat ‘yon pawang kasinungali­ngan,” ayon kay Advincula sa isang press conference kahapon.

Diniktahan lamang umano siya nina Trillanes sa kaniyang gagawing paninira sa mga Duterte at mga kaalyado nito.

Inamin din ni Advincula na ang paggawa nila ng Bikoy videos ay upang “i-boost” daw ang Otso Diretso at babayaran daw siya ng P500,000.

Pero hindi na raw naibigay sa kanya ang bayad noong natatalo na ang mga kandidato. Hindi na raw nakipag-ugnayan sa kaniya si Trillanes matapos ang halalan.

Ayon kay Advincula, nakilala niya si Trillanes sa pamamagitan ng isang pari.

Siyam na buwan umano nilang pinlano ang binansagang “Project Sodoma,” na patalsikin si Duterte bago mag-Hunyo 30, 2019, at paupuin sa puwesto si Vice Pres. Leni Robredo, ang chairperson ng LP.

Ayon dito, pumayag lamang siyang magsinungaling dahilan kailangan niya ng perang pangpiyansa sa kaniyang kaso matapos na masentensyahan ng 6-8 taong pagkakabilanggo kung saan nasa ilalim lamang siya ng parole.

Una rito, si Advincula ay sumuko kahapon sa Northern Police District (NPD) at saka na-turn over sa CIDG.

Kabilang daw sa dahilan ng kanyang pagsuko ay para magbagong buhay, konsensiya at sa takot niyang isusunod na ilikida.

“Hindi ko ho kaya na panindigan ‘yong mga scripted lang ng kwento na ngayong talo na ‘yong mga kandidato nila nararamdaman ko unti-unti na akong nilalaglag, at ang kinakatakutan ko ay baka sila pa ang mag-eliminate sa akin kalaunan dahil wala na akong silbi,” wika niya.

Dadalhin si Advincula sa Baguio, kung saan mayroong standing warrant of arrest laban sa kaniya para sa kasong estafa at illegal recruitment, ayon kay PNP chief Police Gen. Oscar Albayalde.

ANTONIO TRILLANES IV LIBERAL PARTY PETER JOEMEL ADVINCULA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with