^

Bansa

SSS membership ng OFWs compulsory na

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
SSS membership ng OFWs compulsory na
Sa bagong batas, magiging compulsory ang membership ng lahat ng mga overseas Filipino workers.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Nilagdaan na ni Pa­ngulong Duterte ang Social Security Act of 2018 o SSS Rationalization Act na naglalayong palawakin ang kapangyarihan ng SSS.

Sa bagong batas, magiging compulsory ang membership ng lahat ng mga overseas Filipino workers.

Inaasahang tataas ang bilang ng mga OFWs na miyembro ng SSS mula 500,000 sa 2.5 milyong manggagawa.

Sakop nito ang land-based at sea-based overseas Filipino workers.

Magkakaroon din ng kapangyarihan ang SSS Commission na mag­desisyon tungkol sa buwanang kontribusyon ng mga miyembro kung saan papayagan ang pagtaas pagkatapos ng isang “actuarial survey.”

Bukod sa nasabing batas, nilagdaan na rin ng Pangulo ang New Central Bank Act ng naglalayon namang palakasin ang regulatory powers ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Magkakaroon ng kapangyarihan ang BSP na parusahan ang mga naglilipat ng malaking shares ng bangko at iba pang financial institutions ng walang pahintulot ng BSP.

Dinagdagan din ang mga financial institutions na masasakop ng BSP.

vuukle comment

SSS RATIONALIZATION ACT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with