Anti-VAT bill ni Bam pangontra sa taas-singil sa kuryente
MANILA, Philippines — Naghain ng panukalang-batas si Sen. Bam Aquino na magsisilbing “antibiotic” ng mga mamamayan laban sa “impeksiyon” ng mataas na singil sa kuryente.
Kung mapagtibay ang Senate Bill No. 670 ni Sen. Bam na magtatanggal ng Value Added Tax (VAT) sa binibiling kuryente ng mga kompanya at kooperatiba, wala nang dahilan pa para tumaas ang monthly electric billing ng bawat tahanan.
Ayon sa senador, may nakaambang panibagong pagtaas sa presyo ng kuryente sa mga susunod na linggo kaya kailangang madaliin ang pagpasa ng kanyang panukala na pipigil sa Meralco at iba pang franchise holders na magtaas ng singilin.
Habang nakabinbin ang panukala, hinimok ni Sen Bam ang gobyerno na gumawa ng hakbang para hindi maapektuhan ang mga consumers ng bantang pagtaas sa presyo ng kuryente.
“Kaawa-awa naman ang ating mga kababayan. Hindi pa nga nakakaahon sa taas presyo ng mga bilihin, dadagdag pa ang mataas na singil sa kuryente,” sabi pa ni Sen. Bam na champion ng consumers protection sa bansa.
Tahasang sinabi ng senador na ang pag-alis ng VAT sa paggawa, transmisyon at distribusyon ng kuryente ay ikagiginhawa ng mga consumers.
- Latest