^

Bansa

Work-from-home bill lagda na lang ni Duterte ang kulang

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Work-from-home bill lagda na lang ni Duterte ang kulang
Umaasa si Sen. Joel Villanueva na malalagdaan ng Pangulo ang kanyang panukala sa lalong madaling panahon matapos maratipikahan ang bicameral report ngayong buwan.
AFP

MANILA, Philippines — Pirma na lamang ni Pangulong Duterte ang kulang para maging ganap na batas ang “work-from-home” bill na tatawaging Telecommuting Act of 2017.

Umaasa si Sen. Joel Villanueva na malalagdaan ng Pangulo ang kanyang panukala sa lalong madaling panahon matapos maratipikahan ang bicameral report ngayong buwan.

Sa nasabing panukala, hinihikayat ang mga employers na payagan ang “telecommuting” o ang partial o total substitution ng computers o telecommunication technologies sa pagtungo sa opisina o pagko-commute sa trabaho.

Ang telecommuting ay isang work arrangement kung saan papayagan ang isang empleyado sa pribadong sektor na magtrabaho sa isang “alternative workplace” kung saan gagamitin nila ang telecommunication and/or computer technologies.

Naniniwala rin si Villanueva na ang kanyang panukala ay solusyon sa matinding problema sa trapiko.

Ang Department of Labor and Employment (DOLE) ang maglalabas ng guidelines para matiyak na magkakaroon ng “fair treatment” provision kung saan isasaalang-alang ang rate ng bayad kabilang ang overtime at night shift differential at iba pang monetary benefits na hindi dapat bumaba sa itinatakda ng batas.

Katulad ng mga ordinaryong empleyado, ang mga magta-trabaho sa ilalim ng Telecommuting Act ay magkakaroon din ng rest periods, regular holidays, special non-working days, pantay na workload at performance standards na katulad ng mga nasa opisina, access sa training at career development opportunities.

vuukle comment

WORK-FROM-HOME BILL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with