^

Coed, utas sa road mishap

Rhode­rick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - January 23, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maagang sinalubong ni kamatayan ang isang college student makaraang masawi habang sakay sa kanyang motorsiklo nang aksidenteng mabangga sa isang truck sa road mishap na naganap sa Brgy. Wadya, Banisilan, North Cotabato.

Kinilala ang nasawi na si Arvin Gicole, 20-anyos na residente ng Brgy. Carugmanan nang nasabing bayan.

Batay sa ulat, nangyari ang aksidente alas-4:49 ng hapon kamakalawa kung saan binabaybay ng biktima ang kahabaan ng National Highway sakay sa kanyang kulay gray na Suzuki Raider 150 na motorsiklo (410 FX) mula sa Wao, Lanao del Sur patungo ng Poblacion Banisilan.

Nag-overtake umano si Gicole sa kasunod na truck, pero dahil sa may nakasalubong na isa pang sasakyan, bumalik ito sa kanyang lane at dito nasalpok ng isang ten wheeler truck na minamaneho ni Jaypy Porten Galleposo, 25-anyos ng Brgy. Dado, Alamada. Naisugod pa sa bahay pagamutan ang biktima pero idineklara rin itong dead on arrival.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with