^

Bansa

Duterte dumalaw muli sa Marawi

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Duterte dumalaw muli sa Marawi

Sa ikatlong pagkakataon, muling dumalaw kamakalawa sa Marawi City si Pangulong Rodrigo Duterte kung saan nagpaputok pa ito ng baril sa direksiyon ng grupong Maute. PPD/Albert Alcain, File

MANILA, Philippines - Sa ikatlong pagkakataon, muling dumalaw kamakalawa sa Marawi City si Pangulong Duterte kung saan nagpaputok pa ito ng baril sa direksiyon ng grupong Maute.

Sa isang press briefing sa Malacañang, sinabi ni Armed Forces of the Philippines spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla Jr. na naging maayos ang pagbisita ng Pangulo at nagtungo ito sa mismong “main battle area”.

Nagpalabas naman ng opis­yal na larawan ang Palasyo kaugnay sa naging pagbisita ng Pangulo na nakasuot siya ng full battle gear.

Sinabi pa ni Padilla na wala naman silang impormasyon kung may tinamaan ang Pa­ngulo ng targetin nito ang mga kalaban.

Unang binisita ni Duterte ang mga sundalo sa Marawi noong Hulyo 20 at sinundan noong Agosto 4.

Namahagi rin ang Pangulo ng mga relo at mga grocery items sa mga sundalo.

“At siya (Duterte) po ay nagpaabot ng kanyang pasasalamat sa ating mga kasamahan at ganundin, nag-abot po ng ilang tulong at pampa-high morale na mga bagay tulad ng relo at iba pang mga grocery items na kinakailangan po nila,” ani Padilla.

Kabilang sa mga nakasama ng Pangulo sina National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., AFP Chief Eduardo Año at Special Assistant to the President Christopher Lawrence Go.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with