^

Bansa

Remulla nagkamali sa asylum ni Roque

Angie dela Cruz, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Remulla nagkamali sa asylum ni Roque
Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla on December 19, 2025
Miguel de Guzman / The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Inamin ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na nagkamali siya nang una niyang sabihin na ibinasura na ang aplikasyon ng asylum ni dating Presidential Spokesman Harry Roque.

“Hindi approved, hindi disapproved. Kaya, kumbaga, nasa purgatory siya ng asylum ngayon,” ani Remulla.

Ipinaliwanag ng kalihim na nananatiling pending ang aplikasyon ni Roque at wala pang desisyon mula sa mga awtoridad. “I was wrong. Ang status niya is in limbo kasi ang normal status niyan ay anim na buwan para sa application, pero siyam na buwan na mula nang mag-apply siya. Normally, six months malalaman kung denied o accepted,” dagdag niya.

Binigyang-diin ni Remulla na pinag-aaralan ng DILG kung magkakaroon ng immunity si Roque mula sa red notice sakaling makakuha ito ng asylum, ngunit iginiit na kaila­ngan pa ring mabigyan ng hustisya ang kasong kinahaharap nito. Umaasa rin siya na tatanggapin ng Netherlands ang petisyon ng Pilipinas na maibalik si Roque sa bansa.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Roque na mabuti at inamin ni Remulla ang pagkakamali sa pagbibigay ng impormasyon hinggil sa kanyang asylum status. Una nang tinawag ni Roque na fake news ang pahayag ng kalihim.

Samantala, aalamin ng Malacañang kung sinasadya o may bad faith si Remulla sa pagbibigay ng maling impormasyon sa publiko.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, kung inamin ni Remulla na nagkamali at hindi naman sinasadya upang ilihis ang isipan ng publiko, maaari itong i-call out ng Malakanyang. Sa ngayon, hahayaan muna ng Palasyo si Remulla na sagutin ang isyu dahil inamin na rin nito ang pagkakamali.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagbigay ng maling pahayag si Remulla. Una na niyang sinabi na nahuli na si dating Ako Bicol Partylist Representative Zaldy Co at maiuuwi sa bansa sa loob ng dalawang linggo. Subalit hanggang ngayon ay nananatiling at large si Co at hindi pa napapanagot sa umano’y anomalya sa mga flood control projects.

JONVIC REMULLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with