^

Bansa

Digong nanindigan sa pagsibak kay Sueno

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Siniguro ni Pangulong Duterte na hindi siya pupuwedeng magkamali sa kanyang desisyon ng sibakin nito si DILG Sec. Mike Sueno dahil sa isyu ng katiwalian.

“I could never be misinformed. Abugado ako,” sabi ng Pangulo kaugnay sa pagsibak niya kay Sueno.

Iginiit pa ng Pangulo na marami pang public officials ang nakatakda niyang sibakin sa susunod na mga araw na nasangkot sa katiwalian.

Aniya, kamakalawa ay sinibak niya si Usec. Halmen Valdez na mula sa tanggapan ni Cabinet Secretary Leoncio Evasco Jr.

Bukod dito, may 92 opis­yal at empleyado mula sa LTFRB at LTO ang sinibak na din ng Pangulo dahil sa katiwalian.

Kahit ang 2 fraternity brothers niya sa Bureau of Immigration ay sinibak niya ng masangkot sa corruptions gayundin ang kanyang campaign spokesman na si Peter Lavina ay sinibak niya ng masangkot sa anomalya.

Hindi rin nakaligtas sa batikos ng Pangulo ang Philippine Daily Inquirer at ABS-CBN.

Sinabi ng Pangulo, walanghiya ang ABS-CBN dahil matapos tanggapin ang kanyang pera ay hindi naman pinalabas nito ang kanyang political ad.

Inungkat din ni Duterte ang tax liabilities ng PDI sa gobyerno at binigyan niya ito ng deadline hanggang sa Lunes upang ayu­sin ang kanilang hindi nababayarang buwis.

vuukle comment

MIKE SUENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with