Duterte umamin na ‘bipolar’
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - May 27, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines - Inamin kahapon ni incoming President Rodrigo Duterte na mayroon siyang ‘bipolar disorder’ kaya umapela siyang huwag paniniwalaan lahat ang kanyang mga pahayag.

“Huwag ninyong paniwalaan ang lahat ng sinasabi ko,” ayon kay Duterte.

Sinabi ni Duterte sa harap ng mga reporters sa Davao City na isa siyang ‘bipolar’ kung kaya hindi lahat ng kanyang sinasabi ay dapat seryosohin.

“Ako, palabas-masok ako sa bipolar. One moment seryoso ako, one moment tatapunan ko kayo ng biro,” giit pa ng presumptive president.

“Don’t believe my preposterous statements,” paliwanag pa ni Duterte.

Kabilang sa sinabi ng incoming president na hindi dapat sineryoso ng media ay ang sinabi niyang 5-minuto lamang ang itatagal ng kanyang inaugural speech sa Hunyo 30.

Aniya, marami siyang sasabihin at ilalatag na plano kung kaya hindi lamang 5-minuto ang itatagal ng kanyang speech pagkatapos ng kanyang oath-taking.

Sa taong may ‘bipolar disorder’, nakararanas siya sa paiba-ibang mood mula sa depresyon papunta sa “mania” na tinawag ding manic depressive disorder. Ang naturang sakit ay seryoso na nagiging sanhi ng pagkasira ng katinuan o pag-iisip na maaaring mauwi sa pagpapatiwakal subalit nagagamot  ito sa pamamagitan ng therapy at medikasyon.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with