^

Bansa

Libanan kinasuhan ng graft

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nahaharap sa kasong graft and malversation si da­ting congressman Marcelino “Nonoy” Libanan kaugnay ng naglahong P23 milyon mula sa kanyang pork barrel funds na diumano’y pinadaan sa mga pekeng NGO ni Janet Lim Napoles.Isinampa sa Office of the Ombudsman laban kay Libanan ang reklamo ng journalist at anti-graft crusader na si Ferds Sevilla. Ayon kay Sevilla, si Libanan na incumbent congressman noong 2007 ay may pananagutan umano sa P10 milyon na iginawad sa Aaron Foundation Philippines, Inc. (AFPI) at P13 milyon sa Philippine Environment and Economic Association (PEEDA) na pawang “ghost NGOs” sa pamamagitan ng binuwag na Technology Resource Center (TRC). Ang reklamo ay batay sa special audit office report ng Commission on Audit (COA). Nadiskubre ng COA na hindi kwalipikado ang AFPI at PEEDA bilang NGOs dahil hindi rehistrado, walang business permit at “hindi matagpuan” ang tanggapan ng mga ito, patunay na hindi aktwal na isinagawa ang mga pinondohang proyekto. Ayon pa sa COA, isang supposed supplier ang nagpatunay na hindi siya nagkaroon ng anumang transaksiyon sa PEEDA at pinanindigan din ng mga beneficiary kuno na wala silang natatanggap na livelihood kits mula sa NGO.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with