^

Bansa

Drilon: SC kailangang desisyunan na si Poe

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Marami ang apektado ng nakabinbing desisyon ng Korte Suprema sa diskwalipikasyon ni presidential aspirant at Sen. Grace Poe sa eleksyon sa Mayo 9, ayon kay Senate President Franklin Drilon ngayong Lunes.

Umaasa si Drilon na bukas ay makapaglalabas na ng hatol ang mataas na hukuman upang maayos na ang eleksyon at ang desisyon ng mga botante, gayun din ang mismong buhay ni Poe.

 “Sa akin tama iyan, sa lalong madaling panahon - ang balita ko bukas at sana nga po ay mailabas nila bukas dahil hindi po fair kay Sen. Grace Poe na mabinbin itong kasong ito,” pahayag ni Drilon.

“Kung siya po ay qualified, sana po ay mailabas na ang desisyon para wala nang duda. Kung siya naman po ay kulang sa residency at hindi natural born, aba'y dapat sabihin na agad in fairness to our people and para po ang integridad ng ating halalan ay manatili,” dagdag niya.

Sinabi  pa ni Drilon na hinihintay din ng mga botante ang hatol upang hindi masayang ang kanilang boto lalo na’t nangunguna si Poe katabla si Bise Presidente Jejomar Binay sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.

“Hanggang ngayon siguro ay talagang binubusisi pa ng ating mga kababayan, talagang kinikilatis pa ang apat na kandidato. Kaya nga po kailangan nang desisyunan ng Korte Suprema ang kaso ni Sen. Grace Poe dahilan po sabi mo nga, gitgitan ngayon,” patuloy ng senate president.

Ayon sa Commission on Elections (Comelec) ay hindi na nila maaaring matanggal pa ang pangalan ni Poe sa balota kung tuluyan nga siyang madiskwalipika.

Dagdag ng poll body na bibilangin pa rin ang boto kay Poe sa kabila kahit na diskwalipikahin siya ng korte.

Diniskwalipika ng Comelec si Poe dahil sa kakulangan sa 10-year residency at sa kuwestiyonableng citizenship dahil sa pagiging foundling.

Umapela ang senadora sa Korte Suprema na baligtarin ang desisyon ng Comelec.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with