Duterte kay Mar: How stupid can you get?
(Pilipino Star Ngayon) - January 31, 2016 - 8:16pm

MANILA, Philippines —  Muli na namang nagpalitan ng pambabatikos sina Liberal Party standard-bearer Manuel "Mar" Roxas II at Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Sa isang pulong balitaan kahapon ay tinawag na “zombie” ni Duterte si Roxas nang makita niya ang katunggali sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong “Yolanda” sa Eastern Visayas.

"I was there day two. Si Mar parang zombie rin. Hindi malaman kung ano ang sasabihin. Nag-drama ka, nagbisikleta ka, natumba ka saka kumain ng kanin sa baso, how stupid can you get?" wika ni Duterte.

Sumagot naman si Roxas at sinabing nagpapapansin lamang ang alkalde matapos bumaba ang ratings sa pinakabagong presidential survey.

"S'yempre naghaharap siya ng paraan para makasama muli sa usapin ng ating mga kababayan... Dati-rati sabi niya na mahusay ako, malinis ako. Ngayon kung anu-ano ang sinasabi tungkol sa'kin. Ano ba talaga ang katotohanan, Digong?" pahayag naman ni Roxas.

Bumagsak sa ikaapat na pwesto si Duterte sa Social Weather Stations sa 20 percent, habang isang puntos lamang ang lamang sa kaniya ni Roxas.

Dati nang nagpapalitan ng pambabatikos ang dalawang presidential candidate kung saan nauwi pa sa hamunan ng sampalan hanggang sa suntukan ngunit hindi rin naman natuloy.

Kilalang magkaibigan sina Roxas at Duterte ngunit nadungisan ang malinis nilang samahan nang kuwestiyonin ng alkalde ang masters degree ng LP bet sa Wharton University.

ANG ANO DATI DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE DUTERTE EASTERN VISAYAS LIBERAL PARTY ROXAS SI MAR SOCIAL WEATHER STATIONS WHARTON UNIVERSITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with