^

Bansa

Source code sa Election 2016, inilagak sa BSP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ipinagkatiwala na ng Commission on Elections (Comelec) sa Bangko Sentral ng Pilipinas ang source code na gagamitin sa May 2016 elections.

Personal na pinangasiwaan ni Comelec Chairman Andres Bautista ang pagde­deposito ng source code alinsunod na rin sa itinatadhana ng batas.

Kasama si Comelec Commisssioner Robert Lim nang dalhin sa BSP ang source code na nakalagay pa sa deposit box.

Tiniyak naman ni BSP Deputy Governor Vicente Aquino, na nasa mabuting kamay ang source code at sinabing ginagawa lamang aniya nila ang kanilang bahagi upang masigurong ligtas ito.

Marami rin aniyang mga security na dadaaanan bago makarating sa vault at pinakaligtas na lugar sa Pilipinas din aniya ang BSP.

Ang nasabing source code ay hindi rin nila aniya hahawakan o titignan at ang mga tanging awto­risadong tao lamang ang maaring makapasok sa vault na pinaglalagyan nito.

Sinabi naman ni Chairman Bautista na gagawa sila ng security protocol kung saan nakasaad kung sino lamang ng maaring makapasok sa vault at hindi maari na iisang tao lamang.

Bukod sa Comelec, ang Smartmatic TIM lamang ang may kopya ng nasabing source code. Magbabayad naman ng P1,700 kada buwan ang Comelec sa BSP para sa paggamit ng safety deposit vault nito kung nasaan din ang mga source code noong 2010 at 2013 elections.

ACIRC

ANG

BANGKO SENTRAL

CHAIRMAN BAUTISTA

CODE

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN ANDRES BAUTISTA

COMELEC COMMISSSIONER ROBERT LIM

DEPUTY GOVERNOR VICENTE AQUINO

PILIPINAS

SOURCE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with