^

81-anyos na lola pinatay

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 81-anyos na lola  matapos itong pukpukin sa ulo at mukha ng hindi kilalang lalaki sa abandonadong bahay sa Barangay Talospatang, bayan ng Malasigui, Pangasinan kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang biyudang biktima na si Felisa Diola na duguan ang mukha at ulo nang madiskubre ng anak nitong si Violeta Gutierrez noong Biyernes ng hapon sa loob ng abandonadong bahay na dating tinitirhan ng anak na lalaki ng matanda.

Sa ulat ng Pangasinan PNP na nakarating sa Camp Crame, huling namataan ang biktima nang magpaalam kay Violeta na mangunguha lamang ng  kahoy na panggatong sa likuran ng bahay ng anak nitong lalaki sa kabilang ibayo.

Gayon pa man, nang hindi bumalik ang matanda kinahapunan ay napilitan si Violeta na hanapin ang ina at dito na nadiskubre ang krimen.

Natagpuan din sa crime scene ang isang tipak ng bato na may bahid ng dugo, t-shirt na puti na may bahid ng dugo na may 15 metro ang layo mula sa bangkay ng matanda.

 

ANG BARANGAY TALOSPATANG BIYERNES CAMP CRAME FELISA DIOLA GAYON KALUNUS KINILALA PANGASINAN VIOLETA VIOLETA GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with