Walang terror threat sa Nazareno
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - January 7, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Walang banta ng pag-atake ng teroristang grupo tulad ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang pista ng Itim na Nazareno na ang highlights ay gaganapin bukas, Enero 9 sa lungsod ng Maynila.

Sinabi ni Supt. Marissa Bruno, Manila Police District (MPD) spokesman, wala silang namomonitor na ‘terror threat ‘ na maa­ring ilunsad ng ISIS at iba pang teroristang grupo  na pinangangambahan ng mga deboto upang isabotahe ang makasaysayang prusisyon.

“Sa ngayon po ay wala kaming gustong isipin (ISIS threat) o tingnan, ang lahat pong pagha­handa na ginawa ng ating pamunuan dito sa traslacion ay sinisigurado po namin na magiging sapat at kung kinakailangan pa po sa bawat oras na nakalaan sa pagdagsa o pagdami ng tao nakahanda po ang ating NCRPO,” anang opis­yal.

Ang NCRPO ay magdedeploy ng 5,000 pulis at 900 namang sundalo ang AFP para mangalaga sa seguridad sa traslacion.

Binigyang diin pa ni Bruno na bantay sarado ang mga ruta na daraanan ng prusisyon mula Quirino grandstand sa Luneta paba­lik sa Quiapo Church.

Inihayag pa ni Bruno na isasailalim sa masu­sing inspeksyon ang mga debotong nakasumbrero at naka-backpack para na rin sa seguridad kung saan inaasahang 8 mil­yong mananampalatayang Katoliko ang makikilahok sa traslacion.

Sa halip na backpack, mas makabubuti ayon kay Bruno na gumamit na lamang ng mga transparent bags gaya ng ginamit nang mga mananampalataya noong panahong dumalaw sa bansa si Pope Francis noong Enero 2015.

ACIRC ANG BINIGYANG BRUNO ENERO INIHAYAG ISLAMIC STATE OF IRAQ AND SYRIA MANILA POLICE DISTRICT MARISSA BRUNO POPE FRANCIS QUIAPO CHURCH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with