^

Bansa

Mga panlaban sa Climate Change inilatag

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa pagpasok ng 2016, tiniyak ni Senator Loren Legarda na nakahanda na ang mga programa ng gobyerno para labanan ang problemang dulot ng pagbabago ng panahon.

Ayon kay Legarda, chairman ng Senate Committee on Climate Change umaasa siyang magiging iba ang taong 2016 dahil naglagay sila ng mga probisyon sa 2016 General Appro-pria­tions Act (GAA) na naglalayong mabawa­san ang epekto ng climate change sa bansa.

“We have also provided very specific line items that are responsive to the needs of fisherfolks and coastal communities, farmers, rural folks, indigenous communities. We introduced amendments that will support 4th, 5th and 6th class municipalities and barangays in the country,” ani Legarda. 

Mahalaga aniyang mabigyan ng proteksiyon ang mga pinakamaliliit na sektor ng lipunan na kalimitang walang panlaban sa mga dumarating na kalamidad.

Kabilang aniya sa climate change adaptation (CCA) at disaster risk reduction (DRR) ang pagtiyak ng mga dam operators na maayos na napapanatili ang ope­rasyon ng mga dam at ang mahigpit na koordinasyon sa PAGASA kaugnay sa forecast ng mga pag-ulan.

Pinabibigyang pra­yoridad rin ang pagpapatibay sa mga public infrastructure kabilang na ang mga tulay na itinuturing na “highly vulnerable” sa mga seismic activity.

Dapat rin aniyang magbigay ng suporta ang Department of Agrarian Reform (DAR) sa mga agrarian reform commu­nities (ARCs) upang ma­kaagapay sa CCA at DRR.

Iginiit rin ni Legarda sa Department of Interior and Local Government (DILG) at sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagtatayo ng apat na permanenteng evacuation centers sa bawat rehiyon upang matiyak na may masisilungan ang mga mamamayan na naaapektuhan ng mga dumarating na kamalidad sa bansa.

ACIRC

ANG

CLIMATE CHANGE

DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

GENERAL APPRO

LEGARDA

MGA

SENATE COMMITTEE

SENATOR LOREN LEGARDA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with