Daang Hari-SLEX road binuksan na
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - July 24, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines - Pinangunahan ni Pa­­ngulong Aquino ang inagurasyon ng bagong bukas na toll road na nagkokonekta sa South Luzon Expressway at Cavite kahapon ng umaga.

Mapapabilis na ang biyahe ng mga residente mula sa Las Piñas, Cavite, Laguna at Muntinlupa sa Daang Hari road-MC Expressway.

Mismong ang Pa­ngulo ang nagmaneho ng kanyang sasakyan na dumaan sa toll booth at inabutan ng card ng teller. Ito ang kauna-una­hang PPP project na natapos sa ilalim ng Aquino admi­nistration.

Sinabi ni DPWH Sec. Rogelio Singson na mababawasan ng 45 minuto ang biyahe ng mga motorista at inaasahang makakatulong sa pagbawas ng traffic congestion sa SLEX.

Naglaan ng P2.2-B investment ang Ayala Corp sa nasabing proyekto.

Ang Ayala Corp.ang mag-ooperate at magmamantine ng 4-kms MCX toll road sa loob ng 30 taon.?

Samantala, sinabi ni Noel Kintanar ng Ayala Corp, tinatayang 10-million liters ng fuel ang nauubos habang 23-million manhours ang nasasayang dahil umaabot sa 1.3-kilometers ang trapik sa umaga sa Las Piñas at Muntinlupa city.

Sa paggamit ng MCX, P400-million ang matitipid at 1.3-billion pesos ng manhour ang hindi na masasayang ng mga residente ng Muntinlupa at Cavite.

Nagpasalamat naman ang mag-amang dating Senate Pres. Manny Villar at Cong. Mark Villar sa pagbubukas ng Daang Hari road dahil malaking ginhawa ito sa mga mamamayan ng Las Piñas, Muntinlupa, Cavite at Laguna.

ACIRC ANG ANG AYALA CORP AQUINO ATILDE AYALA CORP CAVITE DAANG HARI LAS PI MANNY VILLAR MUNTINLUPA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with