_ngayon
^

Bansa

Suspension kinondena ni Binay

Lordeth Bonilla, Ellen Fernando at Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kinuwestyon kahapon ni Makati Mayor Jejomar Erwin S. Binay ang preventive suspension na ipinataw ng Ombudsman laban sa kanya at sa 22 pang kasaluku­yan at dating opisyal ng pamahalaang lunsod ng Makati kaugnay ng im­bestigasyon sa umano’y overpricing sa Makati City Hall Building II.

Naniniwala si Binay na panggiba lamang umano ito sa pagtakbo ng kanyang amang si Vice President Jejomar Binay sa 2016 presidential elections.

Tinawag din ni Binay na special express ang pagsususpinde sa kanya ng Ombudsman na tila madalian umano at nagpagunita sa “special treatment” sa kanya at sa kanyang pamilya.

“Talagang special kaming mga Binay. Special senate hearing. Special COA audit. Special pa­nel ng Ombudsman. At ngayon, special express na suspension,” puna pa niya.

Sinabi pa ng alkalde na hindi na nakakapagtaka ang hakbang na ito ng Ombudsman dahil kabilang sa special panel of investigator nito ang mga tagausig na kunektado sa mga katulad ni Atty. Simeon Marcelo na dating Ombudsman at law partner ni Atty. Nonong Cruz. Ang mga ito ay mga abogado ni DILG Secretary Mar Roxas  bukod sa sila ang kilalang mga operator ng kalihim.

Idiniin ni Binay na ang DILG na pinamumunuan ni Roxas ang ahensiyang tagapagpatupad ng suspension order. Tulad sa Senado, hindi sila na­bigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag at sagutin ang mga ibinibintang sa kanila.

Nangako naman ang alkalde na gagamitin niya ang lahat ng legal re­medies kasabay ng pag-apela sa kinauukulang mga ahensiya ng pamahalaan para sa patas at pantay na trato.

Sinisi naman ni Sen. Nancy Binay sa “Oplan Nognog” ang sus­pension sa kanyang kapatid.

Ayon sa senadora, isa ang Oplan Nognog sa istratehiya na gagamitin ng administrasyon upang tuluyang sirain ang kanyang ama habang papalapit ang 2016 presidential polls.

BINAY MAKATI CITY HALL BUILDING MAKATI MAYOR JEJOMAR ERWIN S NANCY BINAY NONONG CRUZ OPLAN NOGNOG SECRETARY MAR ROXAS SPECIAL
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with