^

Bansa

Peak Tower condo kay Mercado

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Si dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado ang totoo umanong may-ari ng condominium unit sa The Peak Tower na pinangyarihan ng pagkamatay ng kanyang live-in partner noong 2002 na hindi pa nalulutas.

“Taliwas sa naging pahayag sa Senado na gumagamit umano si Vice President Jejomar Binay ng dummy para ilihim ang pagmamay-ari niya ng isang condominium unit sa The Peak Tower, ang alam namin ay si Mercado ang talagang may-ari ng unit,” pagbubunyag ni Cavite Governor at Vice Presidential Spokesman for Political Affairs Jonvic Remulla.

Ayon kay Remulla, sa naturang unit din nakatira noon si Racquel Ambrosio na dating live-in partner ni Mercado at anak ng yumaong komedyanteng si Babalu.

Sinasabi sa police report na nabaril at namatay si Ambrosio makaraang makipag-away kay Mercado noong Abril 24, 2002. Batay sa report, nakarehistro sa pangalan ni Mercado ang baril na ginamit sa pamamaril. Isinuko niya ang baril isang araw pagkaraan ng insidente at inamin pang nilinis niya ang lugar na pinangyarihan ng krimen.

Hinamon din ni Remulla ang umano’y dummy na ipakita ang lahat ng mga ari-ariang nakalista sa kanyang pangalan dahil isa itong surveyor na nagtatrabaho at pumiprente para kay Mercado.

Si Ariel Olivar ay nasa flight manifest din ng helicopter na kumuha ng litrato at video ng farm ng Sunchamp sa Rosario, Batangas.

“Hinahamon namin si Olivar  na ipakita ang lahat ng kanyang ari-arian na nakapangalan sa kanya. Kilala siyang dummy ni Mercado,” sabi pa ni Remulla.

“Bukod diyan, ang isang sinasabing dummy ng Bise Presidente ay nasa manifest din ng helicopter na ginamit sa pagkuha ng litrato at video ng Sunchamp property noong Oktubre 2?” tanong pa ni Remulla.

Sinabi ni Remulla na malinaw na adyenda ni Mercado na linlangin ang publiko at pagtakpan ang kanyang mga kayamanan na hindi naidedeklara.

BISE PRESIDENTE

CAVITE GOVERNOR

MAKATI VICE MAYOR ERNESTO MERCADO

MERCADO

PEAK TOWER

POLITICAL AFFAIRS JONVIC REMULLA

RACQUEL AMBROSIO

REMULLA

SI ARIEL OLIVAR

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with