^

Bansa

Funrun, Kawang-Gawa, at “Kambyo Kings Day” sa Ika-74 Anibersaryo ng DZRH

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iba’t ibang aktibidades ang inihanda para sa madla sa pagdiriwang ng Manila Broadcasting Company ng ika-74 anibersaryo ng DZRH sa  July 15. 

Sa July 9-10, katuwang ng DZRH ang Island Exhi­bit Links para sa Job Fair na gaganapin sa Mega Trade Hall ng SM Megamall

Ngayong araw, magkakaroon ng feeding program sa Boys Town, Marikina, na susundan ng isa pa para sa mga matatanda, na gaganapin naman sa Pasay City Sports Complex sa July 12

Sa pamamagitan ng Operation Tulong - ang socio-civic arm ng DZRH --isang three-pronged health program ang gaganapin sa Star City sa July 13, na sasaklaw sa medical, dental and optical mission. Nagkaroon din ng medical mission noong July 7 sa Datu Saudi Municipality c/o Mayor Samsudin Dimaucom.

Sa Linggo ng umaga, ika-14 ng Hulyo, gaganapin naman ang Manila Bay Clean-Up Run.  Mahigit sa 4,500 runners ang lalahok upang tulungan ang Sunset partnership sa programa ng Land Bank upang linisin ang Manila Bay. Simula naman sa alas-6:00 ng gabi, gaganapin sa Star City ang “Kambyo Kings Day,” kung saan may sticketing at magdamagang videoke ang mga tsuper ng pampublikong sasakyan hanggang alas-4:00 ng umaga.

At sa July 15, na siyang mismong anibersaryo ng DZRH, magkakaroon ng malaking handaan, na inaasahang dadaluhan ng mga opisyales ng pamahalaan bilang bisita sa mga palatuntunan nina Neil Ocampo (Arangkada Balita mula 5:00 ng umaga), at ng mga beteranong sina Joe Taruc at Deo Macalma (Damdaming Bayan at Isyu) hanggang alas-10:30 ng umaga.

vuukle comment

ARANGKADA BALITA

BOYS TOWN

DAMDAMING BAYAN

DATU SAUDI MUNICIPALITY

DEO MACALMA

ISLAND EXHI

JOB FAIR

JOE TARUC

KAMBYO KINGS DAY

STAR CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with