Spoiled Brat na Utol
Dear Vanezza,
Hindi naman sa nagdadamot ako, pero madalas gusto ko nang tiisin ang bunsong kapatid ko na ang dami nang utang na walang bayaran. Pero hindi ko matanggihan si nanay na huwag ko raw talikuran si utol. Ang tanong ay kailan pa siya matuto kahit ngayong may pamilya na siya ay sa akin pa rin nakaasa. Tama naman ang misis ko na spoiled brat ang kapatid ko na hindi natutong magbanat ng buto. Ano ba ang dapat kong gawin?
Kurtz
Dear Kurtz,
Makinig ka kay nanay dahil alam niya ang kahinaan ng kapatid mo. Pero ipaliwanag din kay nanay na oras na upang tiisin at turuan minsan ng leksyon ang utol mo.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest