^

Para Malibang

Parrot tinimbrehan ang amo, sumigaw ng ‘mama, police!’

HAYUP SA GALING - Pang-masa

Timbog sa mga awtoridad sa isinagawang drug raid ang isang parrot kasama ang kanyang among drug suspect sa Brazil.

Ayon sa ulat ng Washington Post, sinugod ng mga pulis ang bahay ng pinaghihinalaang tulak ng droga na si Vila Irmã Dulce.

Pero nang makita umano ng parrot ang paparating na mga pulis, sumigaw umano ang ibon ng “Mamãe, polícia!” na ang ibig sabihin ay “Mama, police!”

Ayon sa mga awtoridad, maaaring sinanay ng suspek ang parrot upang mabantayan ang kanilang mga transaksyon.

Pagkatapos isama sa presinto ay dinala ang ibon sa zoo kung saan siya tuturuan ng mga zookeeper na lumipad.

Hindi ito ang unang beses na ‘ginamit’ ang parrot ng mga drug-trafficking suspects. Noong 2010, isang parrot na may pangalang Lorenzo ang gumawa rin ng ingay nang sabihan ang kanyang amo ng “Takbo! Takbo!” (sa wikang Spanish).

vuukle comment

PARROT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with