^

Para Malibang

‘The blind date’

MRYOSO - Pang-masa

Isa ang blind date sa mga paraan para maka­kilala tayo ng mga bagong tao o ‘di kaya naman ay bagong pag-ibig, pero kadalasan ang pakikipagkita sa isang taong hindi pa lubusang kilala ay posibleng magdala sa atin sa kapahamakan.

Isang netizen ang nag­lahad ng karanasan noon ng kanyang ina tungkol sa pakikipag-blind date. Taong 1989 daw noon nang makipagkita ang kanyang ina sa date nito, masaya naman daw ang kanilang pag-uusap pero wala raw itong spark na naramdaman kaya naman nag-iisip na siya ng mga paraan at dahilan para makaalis.

Nagpaalam ang ka-date nito na magpupunta lang muna sa banyo, sakto namang lumapit ang wai­ter sa restaurant ng kanilang kinakainan at tinanong siya kung ayos lang ba siya, sinabi nitong nasa blind date siya at hindi siya nag-e-enjoy.

Nag-offer naman ang waiter na kung gusto raw nito ay isasabay na lang siya pauwi dahil pauwi na rin naman daw ito, hintayin lamang daw siya nito pagkatapos ng sampung minuto. Pasagot na raw sana siya ng “oo” pero biglang dumating na ang kanyang ka-date.

Tumingin siya sa wai­ter at umiling na lamang, senyales na tumatanggi siya.

Nakauwi siya ng ma­ayos ng araw na iyon.

Kinagabihan, binuksan nito ang TV at nakita ang isang balita na may pinatay daw na babae sa likod ng isang restaurant, nagulat siya nang makita ang restaurant na kinainan nila ng ka-date kahapon, pero ang mas ikinagulat niya ay nang makita kung sino ang killer – ang waiter.

vuukle comment

BLIND DATE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with