^

Para Malibang

Multo ginagamit para manakot ng tao

MRYOSO - Pang-masa

Ayon sa mga taong may sixth sense o third eye, madalas daw silang bulabugin ng mga kaluluwang ligaw.

Ang ibang mga tao na may ganitong abilidad ay walang kontrol, kaya naman sila ay natatakot at nababalisa sa kanilang nakikita.

Mga duguang mukha, pugot na ulo, umiiyak na mga babaeng nakaputi, ilan lamang yan sa mga madalas na laman ng kuwentong katatakutan. Pero alam n’yo ba na ang multo at mga kaluluwang ligaw ay posible lamang daw na gawa ng demonyo upang takutin ang sanlibutan?

Ang mga demonyo raw kasi ay nabubuhay sa takot ng mga tao, rito sila luma­lakas. Pinatunayan ito ng isang ‘di na nagpakila­lang sender sa isang sikat na horror page sa Facebook.

Ayon sa kanya, siya raw ay may kakaibang abilidad na hindi lamang basta third eye, kaya rin daw niyang makaamoy at makakita ng demonyo.

Kanyang naikuwento noon, madalas din daw siyang matakot sa kanyang mga nakikita, pero unti-unti niya itong na-enhance.

Habang siya raw ay naglalakad pauwi, may nakita siyang mga batang naglalaro, kitang-kita niya ang mga ito na nagtutulakan sa takot.

Napatingin siya sa gilid kung saan nakatingin ang mga bata at doon niya nakita ang isang babaeng duguan na nakaupo habang umiiyak, pero masangsang ang amoy nito, ayon sa kanya.

Multo ito sa paningin ng mga batang nakakita, pero iba ang kanyang nakita. Kitang-kita raw niya ang demonyong pula na tawa nang tawa na nagtatago lamang sa anyo ng babaeng nakaputi. Tuwang-tuwa raw ito sa takot ng mga bata na kanyang nakolekta.

vuukle comment

TAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with