^

Para Malibang

Multong Bahay (132)

Pang-masa

WALA nang buhay ang katawan ni Agyana.

At wala na rin ang kaluluwang si Riva.

“Nagbalik na sa purgatoryo si Riva, ramdam kong wala na siya.”

Nakatingin lang ang multong buhay sa kanyan katawan na sobrang hukluban na, halos lupa na ang kulay, at wala nang buhay.

“Tanggap ko na rin ho na ganito na ako, lalayo na lang ako sa mga tao. Dito na lang ako sa bundok na ito titira.”

“Apo, kaya mo?”

“Wala ho akong nararamdamang panghihinayang sa aking ganda at kabataan, Lolo. Ang importante, ang kalinisan ng kaluluwa ko.”

“Huwag kang mag-alala, apo. Sasamahan ka muna namin dito. Hindi rin muna kami aalis dito sa bundok.”

Nagulat ang multong buhay. “Hindi kayo kailangang bumalik kaagad sa purgatoryo?”

“May kakayahan kaming mananatili dito.”

“Pero para sama-sama tayo ng iyong mga magulang, maari namin silang kukunin doon sa siyudad. At dito muna kayo manirahan na kasama kami.”

Natuwa ang multong buhay. “Talaga ho? Makakasama pa namin kayo nina Itay at Inay?”

“Posible ang kakaibang buhay dito sa lupa, apo. Ikaw na multong buhay. Kami na mga ninuno mong kaluluwa. At ang mga magulang mo na ordinaryong tao. Magiging masaya pa rin tayo dito sa bundok.”

“Kailan ho natin kukunin sina Inay at Itay?”

“Puwede nang ako na lang ang kumuha. Kayo naman, sinupin ninyo ang lumang bahay na mula dito ay mga limampung metro. Matatagpuan ninyo ito, apo kapag lumakad kayo papunta  sa dulo, dito sa kanan.”

Kasama ang ibang mga ninunong kaluluwa, masigla nang lumakad ang multong buhay.

At nakita nila ang lumang bahay.

“Wow, meron ngang bahay. Luma pero maganda pa rin. At medyo malaki, may bakuran na maluwag at maganda.”

“Paano ba ‘yan, apo? Mukhang ikaw lang ang maglilinis. Kaming mga ninunong kaluluwa mo ay wala namang katawan. Kaya ni hindi kami makakahawak ng walis.”

“Wala hong problema sa akin ‘yon! Ako ho ang maglilinis!”

At tuwang-tuwa ang mga ninunong kaluluwa dahil nakikita nila ang kasipagan ng multong buhay. Walang reklamo kahit pagod na pagod na sa paglilinis ng mag-isa. - ITUTULOY 

ILANG LABAS NA LANG. ABANGAN ANG ZOMBIE FAMILY. 

vuukle comment

MULTONG BAHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with