^

Para Malibang

Payo ng couple therapist sa mag-asawa

Pang-masa

Mayroong bad habits o problema ang mga mag-asawa na nagpapawasak ng pagsasama ayon sa mga couple therapists na dapat ay maayos o tanggalin sa mga checklist nina misis at mister. Gaya ng pagkakaroon ng affair ang isang partner.

Para bang ordinaryo na lang ngayon ang pagkakaroon ng fling o kabit ni mister na feeling macho kapag mayroong ibang babae. Kahit sa mga palabas sa TV ay tinatawan na lang ang sitwasyon kapag sinasabing sumakabilang bahay si mister.

Ang totoo ay hindi ito biro na nakakatawa, ito ay seryosong bagay na hindi dapat kinokonsente. Pati ang tema ng mga palabas sa mga TV network ay nagpapaligsahan pa sa kuwento ng mga pakikipaapid ng mga mag-asawa. Maaaring sinasalamin ito ng lipunan, pero ang tendency ay naituturo rin sa publiko na tanggapin ang ganitong klase ng mga bawal na relasyon. Ayon sa research, maaaring ang mga maliliit na bagay na ginagawa ng tao na indikasyon ng problema sa isang relasyon. Ang resulta ay nasira ang pagsasama dahil sa third party na hindi rin matanggap ni misis ang ginagawa ni mister.

Ang goodnews ayon sa relationship wellness expert, kahit desedidong iwanan na ang partner. May pagkakataon pa rin na maayos ang problema, mayroong couples pa rin ang handang i-work out ang mga matitinding isyu. Kailangan lamang ay baliin ang mga bad habits nadi-develop tulad ng kawalan ng regular na komunikasyon bagkus ay maglaan ng intimate na oras ang mga mag-asawa.

Mabuti na lang ay laging may pangalawang pagkakataon upang maisalba ang relasyon kaysa sa magpadala sa seryosong problema na dapat ay sabay at pareho harapin nina misis at mister.

vuukle comment

COUPLE THERAPISTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with