^

Para Malibang

Nobyo Natatakot na Ipagpalit ng GF

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Gusto na ng boyfriend ko na magpakasal kami dahil limang taon na rin kaming mag-on. Pero kahit 29 years old na ako ay wala pa sa plano ko ang magpakasal. Gusto ko pang makarating sa Australia upang magtrabaho at asikasuhin ang pamilya ko bago ako magpakasal.  Gusto na niyang magkapamilya at magkaanak. Sayang ang pagkakataon na kinukuha ako ng utol ko na chef sa Australia. Ayaw ko naman palampasin ang oportunidad na makarating ako sa ibang bansa para sa kinabukasan ng pamilya ko. Para rin naman ito sa future namin dahil mas maganda ang buhay namin kapag doon na kami sa Australia. Natatakot ang BF ko na baka ipagpalit ko siya sa foreigner na makikilala ko sa Australia bilang maiiwan ko siya pansamantala. Love ko ang BF ko at siya lang talaga ang pangarap kong makasama for life. Paano ko ba pakakalmahin ang pag-aalala ng BF ko? – Dale

Dear Dale,

Bigyan mo ng assurance ang BF na trabaho lang ang pokus mo sa Australia. Hanggang hindi mo mapapatunayan sa kanya na hindi ka mahuhumaling sa foreigner ay mananaig ang selos at insecurity sa iyong BF. Ipaalala mo sa BF ang inyong goals at plano para sa inyong future upang maibsan ang kanyang takot na mawala ka sa buhay nito.

Sumasainyo,

Vanezza

vuukle comment

NOBYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with