^

Para Malibang

Pagtapik, isang paraan ng paglalagay ng sumpa

MRYOSO - Pang-masa

Kamakailan lang ay kumalat sa social media ang isang post ng netizen na nagkikuwento ng kanyang karanasan sa daan habang naghihintay ng masasakyan pauwi.

Kasama niya noon ang kanyang nobyo nang may mapansin siyang matanda na nagbebenta ng sampaguita, nakita niya itong lumapit sa isa sa mga katabi nila pero sinabing hindi raw bibili ang mga ito.

Sa kanya naman lumapit ang nasabing matanda pero nauna sa kanyang lumapit ang batang nagtitinda ng basahan kaya dito niya ibinigay ang natitirang barya.

Sinabi niya sa matanda na sa susunod na lang siya magbibigay pag nagkita ulit sila. Nagalit ang matanda at sinabi nitong: “puwedeng pa-tapik?” naalala niyang bigla ang sinabi sa kanya ng tatay niya na dapat tapikin din kapag tinapik siya dahil isa itong paraan ng paglalagay ng kamalasan o sumpa.

Agad niyang tinapik ang matanda at hinipan pa raw siya, ibinalik niya rin ang pag-ihip.

“Akala mo ba? Tiga-Quiapo ako, kukulamin kita! Hindi ka makakatulog mamaya,” sabi ng matanda, sabay nagbanggit ng Latin words.

Agad siyang nagdasal ng makasakay at nagpa-albularyo nang makauwi, sinabi sa kanya na naibalik naman niya agad ang tapik kaya babalik sa matanda ang sumpa.

vuukle comment

SUMPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with