^

Para Malibang

Pangalawang Anino (20)

Gilda Olividado - Pang-masa

NAG-PANIC sina Alona at Roger dahil nga hindi sila makakilos.

“Tigilan mo ito, Tagapag-alaga!” Malakas na namang sigaw ni Roger.

“Gusto mo bang may mangyari dito sa anak namin dahil nininerbiyos kami? Akala ko ba mahalaga sa inyo si Yawan?”

“Kung tutuusin, kayo ay puwedeng mawala. Sa amin pa rin si Yawan. Mamumuhay pa rin siya ayon sa nakatakda. Kayo ay nandidito at inaalagaan, binibigyan ng magandang buhay ... hindi dahil kailangan kayo ni Yawan. O ng lugar na ito. Tinatrato lamang namin kayo nang maayos dahil kayo ang mga magulang. Pero oras na makakabigat kayo sa amin ... madali namin kayong bitiwan.”

“Paano? Palalayasin ninyo kami dito nang hindi kasama ang aming anak?” Matapang pa rin si Roger.

“Hindi. Ihahatid namin kayo doon sa lugar na tinakasan ninyo. At bahala na kayong humarap at managot sa mga taong humabol sa inyo.”

Natameme ang dalawa.

Nang muling magsalita si Roger, malumanay na. “Kami naman ay hindi magbibigay ng problema sa inyo. Susunod sa gusto ninyong mangyari. Masaya naman kami dito.”

Si Alona ay wala ring kasimbait. “Oo nga. Huwag n’yo kaming ihatid doon. At wala kaming balak lumayas.”

“Mabuti. Matuwa kayo at may dalawang anino si Yawan. Ang kanyang isang anino ay makapangyarihan. Maraming puwedeng gawin sa mga taong hindi niya magugustuhan.”

Namutla ang mag-asawa.

Masyado pala tala­gang kakaiba ang kanilang anak.

“Hindi ba siya mapapahamak dahil sa kanyang pangalawang anino?”

“Bago siya masasaktan, ang sino mang may balak na manakit sa kanya ay malalagutan ng buhay. Kahit ang tititig man lamang sa kanya ng masama ... mawawalan din ng buhay.”

“Paano?”

“Mahiwaga. Hindi ko kailangang ipaliwanag.”

“Dito naman siguro ay walang magtatangkang mananakit kay Yawan. Dahil ang lahat dito ay parang sumasamba sa kanya. Pati nga kayo, Tagapag-alaga.”

Dito, walang magtatangkang kukurot man lamang kay Yawan. Pero para matupad ang kanyang misyon, pagsapit ni Yawan sa edad na kinse, kailangan na niyang humayo sa ibang lugar. Ang kanyang pangalawang anino magugutom na at kailangan nang mabusog.ITUTULOY

vuukle comment

ROGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with