^

Para Malibang

Dapat bang bigyan ng second chance ang taong mahal mo?

Pang-masa

Everybody deserves a second chance. Kahit ilang chance pa iyan basta mahal mo talaga ‘yung tao bibigyan at bibigyan mo siya ng tsansa para maituwid ang mali niya. Walang taong perpekto kaya naniniwala ako sa second chance. - Nico, Pasig

Binigyan mo na nga dati ng tsansa para makapagbago, tapos second chance na naman? Eh baka umabuso na ‘yun. Para sa akin, kung mahal ka niya hindi na niya gagawin pa na saktan ka. Kaya walang second, second chance kung ako ang tatanungin! - Ross, Malabon

Masakit man isipin na kaya kang saktan ng taong mahal mo. Gagawin at gagawin ko ang lahat para lang hindi siya mawala sa buhay ko. Kahit ilang ulit pa niya akong saktan, hinding-hindi ako magsasawang magbigay ng kahit ilang chance pa para magbago siya. Ganun ako magmahal. - Larry, Valenzuela

Wala nang second chance sa akin. Kung niloko at sinaktan niya ako. Eh marami namang babae sa mundo. Hindi ko sasayangin ang oras ko sa mga taong manloloko. Dapat sa mga taong ganun iniiwan para matuto sila at malaman nilang maling-mali ang ginawa nila. Kaya kayo, kung may taong mahal kayo never take them for granted. - Sancho, Leyte

Oo naman, bibigyan ko pa rin. Hindi ako ang Diyos para hindi magpatawad. Kung ang Diyos nga kaya tayong patawarin sa mga kasalanan natin, ako pa ba? At sa taong mahal ko pa ba? Siyempre gagawin ko rin naman ang lahat para maging maligaya. - Mike, Baguio

vuukle comment

AKO

ANG

BINIGYAN

CHANCE

DAPAT

DIYOS

GAGAWIN

GANUN

KAHIT

KAYA

PARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with