^

Para Malibang

#Gatas ng Ina, Pang-Facial na?

Pang-masa

Sosyal, malayo na ang nararating ng gatas ni Mommy. Dati, food lang ito ni Baby, ngayon, nakakarating na hanggang spa salon at ginagamit na pang-beauty treatment. Ang spa sa Chicago na nag-aalok ng breast milk facial ay Mud Facial Bar. Ang charge sa breast milk facial ay $40. Ayon sa interbyu, ang supplier ng gatas ay mga inang organic foods lang daw ang kinakain. “Medically screened for safety” ang gatas. Tiniyak na mula ito sa “healthy mother”. Inilalagay sa container ang gatas at ipinipreserba sa freezer. Hindi na nabanggit ang tungkol sa shelf life ng gatas.

Bakit mainam na pang-facial ang gatas ng ina?  Mayroon itong lauric acid na may anti-microbial property. Ang virgin coconut oil ay ginagamit na pantanggal ng tagihawat dahil sa taglay din nitong lauric acid. Walang duda na hindi ito magkakaroon ng masamang epekto sa balat dahil ito ay galing sa katawan ng ina, na pinanggalingan nating lahat.

Linising mabuti ang mukha. Magpakulo ng tubig. Ilagay ang mainit na tubig sa bowl. Itapat ang mukha sa steam ng mainit na tubig. Takpan ng towel ang ulo para dumiretso sa iyong mukha ang steam. Tingnan ang larawan. Ang epekto ay mabubuksan ang butas ng balat, kapag ipinahid ang gatas ng ina, ito ay tatagos hanggang sa ilalim ng balat. Dahan-dahang imasahe ang gatas sa mukha. Banlawan ng malamig na tubig para magsara ang “pores” na binuksan kanina. Dam­pian ng cotton cloth para matuyo ang mukha.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BAKIT

BANLAWAN

DAHAN

DATI

GATAS

ILAGAY

INILALAGAY

MUD FACIAL BAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with