^

Para Malibang

Inahas ng kaibigan ang BF ko

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ang problema ko po ay tungkol sa pang-aahas ng kaibigan ko sa aking boyfriend. Nakiusap po sa akin ang kaibigan ko na kung puwede raw niyang maka-date sa isang party sa opisina ang bf ko. Nanlalamig na raw ang kanilang relasyon at gusto niyang pagselosin ito. Sa awa ko naman sa kaibigan ko, pumayag ako. Pero ‘di nagtagal ayaw na niyang pakawalan ang bf ko at inakit pa niya ito para kami magkahiwalay. Noong una, parang wala sa loob ng bf ko ang nangyaring date nila. Makalipas ang ilang buwan, nanlamig na sa akin ang bf ko at nabalitaan ko na lang na sila na ng kaibigan ko ang mag-on. Inamin nila pareho na may nangyari sa kanila. Iniyakan ko po ito at nakipag-break ako sa bf ko. Tinalikuran ko na rin ang friendship namin. Sa kabila ng ginawa nila sa akin, mahal ko pa rin ang bf ko. Hindi ko malaman kung ang sarili ko ang dapat kong sisihin sa nangyari. - Marie

Dear Marie,

Hindi mo kailangan sisihin ang iyong sarili sa nangyari dahil naging mabuting kaibigan ka lang. Inabuso nila ang iyong pagtitiwala. Isipin mo na lang na hindi karapat-dapat ang bf mo para sa’yo. Hindi niya na inisip na masyado kang masasaktan sa kanilang pagtataksil sa’yo. Kalimutan mo na silang dalawa ng iyong kaibigan. Hindi sila dapat iyakan dahil wala silang pagpapahalaga sa’yo.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

ANG

DEAR MARIE

DEAR VANEZZA

INABUSO

INAMIN

INIYAKAN

ISIPIN

KAIBIGAN

KALIMUTAN

MAKALIPAS

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with