^

Para Malibang

Island of the undead (42)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“BILIS pa! Malapit na tayong abutan ng mga Undead!” malakas na sigaw ni Miley. Tanaw na nila ang balsang gawa sa punong-saging.

Pero hari yata ng kamalasan sa araw na ito si Blizzard.

Walang babalang nadapa, una ang mukha, sumubsob ang nguso sa buhanginan.

BLABAGG!

“Oh my God! Blizzard!” Napahinto ang dalaga, dinaluhan noon din ang boyfriend.

“Natalisod ako sa sarili kong paa... I was so clumsy...” hiyang-hiyang sabi ni Blizzard, gasgas ang nguso at mga pisngi.

Nilingon ni Miley ang mga humahabol. “Jesus Christ, napakalapit na nila sa atin!”

Nakatayo naman agad si  Blizzard kahit hirap na hirap. Saglit pa’y tumatakbo na naman sila, ilang dipa na lang sa balsa.

Nagawa pa naman nilang makatakas, bago narating ng mga Undead ang gilid ng dagat ay nasa katubigan na ang young lovers.

Salamat at nawala ang mga ulap at tumirik nang husto ang araw kaya uminit din ang dagat kaya natakot ang mga Undead, walang nagawa kundi magalit; magsisigaw sa bahaw na mga tinig.

“Malunod sana ka­yooo...  Tumaob sana ka­yooo...”

SA MAHABANG mesa, sa operasyong isinasagawa nina Larry at Joanne—mag-asawang plastic surgeons—bubug-bubog ang pawis ng da­lawa.

KLANKK. Tunog iyon ng pangatlong scalpel na gamit sa operasyon. Daig pa kasi ng bato sa tigas ang kutis ni Reyna  Coreana.

“Shit! This is bullshit, Joanne!”

“Pero hindi tayo ma­kababalik sa ating mga anak, Larry, kapag ngayon tayo susuko. Tiyak na mabubulok na tayo dito sa Isla ng mga Undead...” Panay na naman ang patak ng luha ni Duktora Joanne.

“Puwera na lang kung gagawin na natin siyang si Sleeping Beauty... na forever nang matutulog...”

Napangiti nang mapakla ang duktora. “Sleeping Ugly, Larry, never na Sleeping Beauty.”

SA GITNA ng dagat, si Blizzard ay nilagnat nang napakataas. Nakahiga ito sa balsa, nahihibang, nagsasalita.

“Narito na ang mga payaso... kumakanta sila...” (Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

COREANA

DUKTORA JOANNE

JESUS CHRIST

JOANNE

MGA

MILEY

PERO

SLEEPING BEAUTY

SLEEPING UGLY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with