^

Para Malibang

Magiging mabuting ama ba siya?

Pang-masa

Paano mo masasabi o malalaman na ang iyong kasalukuyang boyfriend ngayon ay may kapasidad na maging mabuting ama sa iyong mga magiging anak sa oras na ito ay maging asawa  mo na? Katulad ni Maya, 36, dalaga. Nagdududa s’ya kung ang kanyang boyfriend ay magiging mabuting ama dahil kinakikitaan n’ya ito ng pagkairita sa mga bata. Narito ang ilang paraan para malaman mo na ang isang lalaki ay magiging “ideal father”.

Nangangarap na sariling pamilya -  Kung sa umpisa pa lang ng inyong relasyon ay sinasabi na n’ya na gusto n’ya na bumuo ng sarili niyang pamilya at makapag-“around the world” na kasama ang kanyang magiging anak, masuwerte ka na, dahil ang pangarap na ito ay wala sa isip ng lahat ng kalalakihan, lalo na ang mga lalaking takot sa “commitment”.

Magiliw sa mga bata – Tingnan mo kung paano s’ya makitungo sa mga bata sa labas o sa kanyang mga kaanak. Malupit o masungit ba s’ya sa mga bata? Kung paano s’ya makitungo ngayon sa mga bata sa kanyang kapaligiran, malaki ang posibilidad na ganito din ang kanyang magiging pakitungo sa kanyang mga magiging anak.

Inaalagaan ka n’ya – Paano ba s’ya makitungo sa’yo kapag ikaw ay may sakit? Nagpapakita ba s’ya ng pag-aalala sa iyong kalusugan? Kung inaalagaan ka n’ya ay ganun din n’ya maaaring alagaan ang inyong magiging anak. Pero kung wala siyang pakialam sa’yo o sa iyong kalusugan, ganito din ang makikita mo sa kanyang pagtrato sa kanyang magiging anak.

vuukle comment

INAALAGAAN

KANYANG

KATULAD

KUNG

MAGIGING

MAGILIW

MALUPIT

PAANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with