^

Para Malibang

Parehong mahal ang ex-bf at mister

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Nagkahiwalay kami ng asawa ko dahil laging umiinit ang ulo ko sa kanya. May mga anak siya sa una niyang babae. Bago kami ikasal may bf po ako at siya ay mahal ko. Bumabalik po ang bf ko at balak niya akong pakasalan sa kabila ng lahat. Pinagtatanggol niya po ako sa mga kamag-anak niya. May communication pa po kami ng asawa ko. Tutol na po ang mga kaanak ko na balikan ko ang asawa ko. Nalilito na po ako sa nararamdaman ko. Mahal ko ang bf ko pero may pagmamahal pa ako sa asawa ko. Ano po ang gagawin ko? - Annie

Dear Annie,

May bf ka na mahal mo pero nagpakasal ka sa lalaking may mga anak sa ibang babae. Dahil naiisip mo na ang asawa mo ay may anak sa labas ‘yun ang dahilan kung bakit laging umiinit ang ulo mo sa kanya. Wala sa asawa mo ang problema kundi nasa sa’yo. Mas mabuting makipagbalikan ka sa asawa mo at ituring na lang na tiklop na kabanata ang dati mong bf. Kung pipiliin mo ang ex mo kailangan mong dumaan sa proseso ng annulment upang maging legal ang lahat. Ikaw lang ang makakapagpasya.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

ANO

ASAWA

BUMABALIK

DAHIL

DEAR ANNIE

DEAR VANEZZA

IKAW

NAGKAHIWALAY

NALILITO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with