^

Para Malibang

‘Butas na lupa’ (51)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

LUMITAW sa pagsusuring medical na ang ikinamatay ng mga taga-ibang planeta ay ang amoy ng bagoong.

“Ridiculous, Doctora Nunez, posibleng sa iba ay hindi mabango ang amoy ng bagoong—pero para mamatay sa amoy…?”

“Hepe, hindi mga taong gaya natin ang mga aliens na namatay. Iba ang body systems nila,” paliwanag ng doktora.

Napabuntunghininga ang hepe. “What now? Natepok ang mga taga-ibang planeta—kung ipupubliko natin, dadagsain tayo ng mga usyoso.

“Afterall, doctora, hindi araw-araw na tayo’y nakakakita ng aliens. E kung gawin kaya nating special exhibit?  Singilin natin ang mga nais makakita ng creatures from outer space.” “Correction, hepe, bukod sa hindi ako sang-ayon na pagkakitaan natin ang mga aliens, sila ay hindi galing sa outer space…

“Nanggaling sila sa sinkhole o butas na lupa.”

NALIGALIG si Monica, nag-mental message kay Jake. “Jake, gising! Gumising ka’t may nangyayari!”

Nagising naman agad ang boyfriend, napatingin sa kapwa estatwang buhay. “Monica, sori nakatulog ako. What’s happening?”

“Tumingin ka sa himpapawid, Jake, nababalisa ang mga taga-ibang planeta!”  Nakita  ni Jake ang mga lumilipad na sasakyan—pawang super-bilis ang lipad, naka-emergency alarm.

“Wangg-wanng-wannnggg.”

“Jake, nasa state of emergency sila, alam ko.”  

“Ano nga kaya ang nangyayari, Monica?”

NAKARATING na sa pamunuan ng mga taga-ibang planeta ang pagkamatay ng limang duplikado.

Galit na galit ang supreme leader ng mga mukhang susong Hapon. “Trivuvkik Kikvuvirt! Drkazizzu zzizakrd!”

Sa lengguwaheng tao, ganito ang sabi: “Bakit basta namatay ang limang kalahi natin? Ano ang ikinamatay? Sino ang pumatay?”

“Mmiluzzi hiccipixuzz,” utos ng supreme leader. “Magpadala agad ng strike force sa ibabaw ng butas! Bawin ang mga patay! Bombahin ang mga ulul na taumbayan!”  (ITUTULOY)

vuukle comment

AFTERALL

ANO

BAKIT

BAWIN

BOMBAHIN

DOCTORA NUNEZ

DRKAZIZZU

TRIVUVKIK KIKVUVIRT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with