^

Para Malibang

Kung may firsthand, secondhand, mayroon ding... Thirdhand smoker

HEALTH CORNER - JC - Pang-masa

Last part

Partikular na tinukoy na ang mga sanggol, mga bata at mga nonsmoking adults ang maaaring nasa panganib kaugnay sa tobacco-related health problems sa sanda­ling malanghap nila, maisubo o mahawakan ang mga bagay na mayroon toxic mix dulot ng thirdhand smoke.  Maaaring bago para sa marami ang tungkol sa thirdhand smoke dahil kung tutuusin, ito ay bagong konsepto kung saan patuloy pa ang pag-aaral ng mga healthcare expert tungkol sa iba’t ibang posibilidad kaugnay dito. Ipinaliwanag din na ang residue na  galing sa thirdhand smoke ay naiipon sa maraming pagkakataon at hindi basta madadala sa ordinaryong paglilinis lang.

Para matanggal ang smoke residue, sinasabing na kinakailangan ang paglalagusan ng hangin sa isang silid halimbawa, mabuksan ang mga bintana dito, maaari rin gumamit ng bintilador o air conditioners o kaya’y pagtatalaga lamang sa partikular na bahagi ng bahay na pwedeng manigarilyo. Dahil ang epekto ng thirdhand smoke ay nananatili sa lugar na apektado kahit pa tapos na o may katagalan nang natigil ang paninigarilyo. Gayunman may natatanging paraan pa rin para maprotektahan natin ang mga mahal sa buhay laban sa panganib ng tobacco products, ma­ging ito man ay firsthand, secondhand o thirdhand, ito ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng smoke-free environment, maging ito man ay sa pribadong lugar o sasakyan, pampubliko gaya ng mga hotel at mga restaurant.

DAHIL

GAYUNMAN

IPINALIWANAG

MAAARING

PARTIKULAR

SMOKE

THIRDHAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with