^

Para Malibang

Kung may firsthand, secondhand, mayroon ding... Thirdhand smoker (1)

HEALTH CORNER - JC - Pang-masa

Karaniwan sa marami ang firsthand smoker o ang direktang paghithit at pagkakalanghap sa usok na dulot ng paninigarilyo. Malinaw na rin ang kaibahan nito sa secondhand smoker kung saan ang nonsmoker na nakakasinghot ng usok na galing mismo sa smoker o ang malapitang pagka-expose maging sa mismong unti-unting nasusunog na tobacco products gaya ng sigarilyo. Pero may thirdhand smoker pa pala, na may mga bantang panganib din sa kalusugan natin.

Sa paliwanag ng mga healthcare expert, tinukoy na sa pangkalahatan, ang thirdhand smoker ay ikinokonsidera na mga natira o residue ng nicotine at iba pang chemicals sa iba’t ibang bahagi ng paligid kung saan umabot ang usok ng nanigarilyo. Ayon pa sa mga expert, ang residue na ito ay pinaniniwalaang nagkakaroon ng reaksiyon sa iba pang common indoor pollutants na lumilikha ng toxic mix.  Sinasabing ang toxic mix na ito na galing sa thirdhand smoker ay nagtataglay ng cancer-causing substances, na nagdudulot ng potential health hazard sa mga nonsmokers na nae-expose dito, lalo na ang mga bata. Sa mga pag-aaral na naisagawa, tinukoy na ang residue ng thirdhand smoker ay kadalasang kumakapit sa buhok, balat, mga damit, furnitures, mga kurtina o anumang naka-hang na tela, sa pader, sapin sa kama o bedding, carpet, alikabok sa paligid, mga sasakyan at iba pang bagay, kahit pa ang paninigarilyo ay tapos o may katagalan nang natigil. (ITUTULOY)

AYON

IBA

KARANIWAN

MALINAW

PANG

PERO

SINASABING

SMOKER

THIRDHAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with